Gumawa sa sarili mong paraan
Mahilig ka bang magsulat ng magagandang ideya sa mga napkin at sticky note? Mas gusto mo ba ang eksaktong pagtatala? Ang OneNote na ang bahala sa iyo anumang paraan ang ginagamit mo para hubugin ang iyong mga naiisip. Mag-type, magsulat o gumuhit gamit ang free form na pakiramdam gamit ang pen at papel. Maghanap at mag-clip mula sa web para maisalarawan ang mga ideya.

Makipagtulungan sa kahit sino
Nagsusumikap ang inyong team na maisakatuparan ang isang rebolusyonaryong ideya. Pinaplano ng iyong pamilya ang menu para sa isang malaking reunion. Manatiling naka-sync saan ka man pumunta.

Think with ink
Ready. Set. Draw. Isang stylus o daliri lang ang tool na kailangan mo. Magsulat ng mga note at i-convert ang mga iyon sa naka-type na teksto sa ibang pagkakataon. I-highlight kung anong mahalaga at magpahiwatig ng mga ideya gamit ang mga kulay o hugis.

I-access mula kahit saan
Tandaan. Madaling makuha ang iyong nilalaman kahit saan, kahit na offline ka. Magsimula sa iyong laptop, pagkatapos ay i-update ang mga note sa iyong telepono. Gumagana ang OneNote sa anumang device o platform.

-
Windows
-
Apple
-
Android
-
Web
Mas maganda sa Office
Ang OneNote ay isang miyembro ng Office family na kilala mo na. Gumawa ng mga note gamit ang Outlook email, o mag-embed ng Excel table. Mas marami kang magagawa kapag sama-samang gumagana ang lahat ng iyong paboritong Office app.

Kumonekta sa loob ng classroom
Himukin ang mga mag-aaral na magsama-sama sa isang collaborative space o magbigay ng indibidwal na suporta sa mga pribadong notebook. At wala nang mga print handout. Maaari mong isaayos ang mga lesson at ipamahagi ang mga assignment mula sa isang central na library ng nilalaman.
